Thursday, July 25, 2013

Sayang Sayang | Aljur Abrenica Lyrics and Song

Here I go again. Share ko lang tong song na 'to. Paulit ulit ko talaga itong pinakikinggan pero di talaga ako nagsawa. Grabe ang angas ng dating nito sa akin. Sayang talaga basta hindi ninyo ito mapapakinggan. So better watch it and you can also join singing Aljur through the lyrics below. Thank you for watching and singing with Aljur. hehehehe !  (◕‿◕✿)



Lyrics of Sayang Sayang – Aljur Abrenica

I

Masakit isipin na wala ka na
Ligaw ang puso dahil lumisan ka
Pagpikit mukha mo ang nakikita
Ikaw ang langhap sa tuwing humihinga.


REFRAIN

Mahal, sakaling bumalik ka
Ako na uli ito
Ang dating sinta mo.


CHORUS

Sayang, sayang, sayang
Tunay namang ika’y mahal
Sa puso ko’y ikaw lang
‘Di ka na mapapalitan

Alam kong ako’y nagkamali
Patawad aking hinihingi
Kahit ano’y gagawin
Muli ka lang mapasakin.

II


Inaamin kong ako ang nagkulang
Tumingin sa iba ‘di ko napigilan
Ganti mo sa pagbigay ko sa kahinaan
Pusong punit sa aki’y iniwan.


REFRAIN

Mahal, sakaling bumalik ka
Ako na uli ito
Ang dating sinta mo.


CHORUS

Sayang, sayang, sayang
Tunay namang ika’y mahal
Sa puso ko’y ikaw lang
‘Di ka na mapapalitan

Alam kong ako’y nagkamali
Patawad aking hinihingi
Kahit ano’y gagawin
Muli ka lang mapasakin.


BRIDGE

Walang pagsubok hindi haharapin
Mabalik lang ang dating pagtingin
Muli mo kong tanggapin
Bilang sinta mo.


[Repeat CHORUS twice]

*** ♡ *** ♡ *** ♡ *** ♡ *** ♡ *** ♡ *** ♡ *** ♡ *** ♡ *** ♡ *** ♡ *** ♡ ****** ♡ *** ♡ *** ♡ *** ♡ *** 

Aljur Is My Idol : How it started ?


Hello guys! Ako po pala si Richard. Maligayang pagdating dito sa aking blog. Bilang paalala, ito'y personal ko po pala na blog pero ang lahat ng mga nilalaman dito ay tungkol lahat sa aking idolo na si Aljur Abrenica. Gusto ko lang po kasi na ibahagi ang aking mga kaalaman at mga karanasan bilang masugid na tagahanga ni Aljur.

Ayaw ko po nang mga negatibong komento at palaisipan tungkol sa aking blog. Di ko po ito ginawa para ipagmayabang sa lahat kundi ginawa ko ito sapagkat ginusto ko at di labag sa aking kalooban na ibahagi ang lahat ng aking nalalaman tungkol sa aking idolo. Malaya po kayong babasa at sisiyasat sa bawat pahina ng aking blog pero sana respeto lang naman ang sa akin!!!

Haters are not allowed here!! I don't care kung wala akong mambabasa o tagasunod basta ang akin lang ay ginawa ko ang aking gusto na ibahagi at bigyang buhay ang pag-iidolo ko kay Aljur Abrenica.

Nagsimula ang lahat ng aking pag-iidolo kay Aljur nung ako'y nasa unang taon palang ng kolehiyo. At sa panahon ding iyon nagsisimulang ipalabas ang sinenobelang "Dapat Ka Bang Mahalin?" na pinagbibidahan niya at ni Kris Bernal. Ito ang kauna-unahang pagbida niya bilang isang aktor pagkatapos manalo sa Starstruck. Di ko talaga malilimutan ang bawat sandaling di ko mapanood ang sinenobela na yun!! Di bale't mahuli sa klase(night shift) basta't mapanood ko lang eto bawat hapon. Sadyang napabilib ako noon sa pagbida ni Aljur at dun ko napagtanto na hahangaan siya bilang isang aktor.


Dumaan ang mga araw at ang pag-iidolo ko sa kanya ay parang nahinto. Sapagkat di na ako makapag-focus sa pag-aaral dahil parating nasa isip ko na sana masubaybayan ko ang bawat pelikula, at mga interview ng aking idolo. One time nga ay na-guest si Aljur sa SC: Don't Lie To Me Reloaded na siyang kilig na kilig ako sa bawat tanong na binibigay ng host na si John Lapus. Gosh!!



Super excited rin ako nun nung ipapalabas ang "My Kontrabida Girl" na si Aljur rin mismo ang bida kasama si Rhian Ramos na tutol talaga ako sa kanyang pagiging Leading Lady. To be honest, di ko talaga gusto na may ibang leading lady si Aljur. All I want is Kris Bernal but because no choice ako, go nalang ako!! Kung saan compatible ang idolo ko go nalang ako basta ALKRIS forever ako and I support Aljur more than anybody else.


Natatandaan ko rin nung ako ay nakipagtalo sa aking kaibigan na mas Hot and Hunk pa raw si Paulo Avelino keysa kay Aljur!!! Grr! Di kaya. Mas hunk and hot kaya si Aljur. Wew!!


Basta!! Kahit na anong mangyari Aljur is my idol FOREVER. (◕‿◕✿).

  *** ♡ *** ♡ *** ♡ *** ♡ *** ♡ *** ♡ *** ♡ *** ♡ *** ♡ *** ♡ *** ♡ *** ♡ ****** ♡ *****♡**** ♡ ***

-RS